Nagkasa ng pandaigdigang pag-aaral ang World Health Organization (WHO) sa mga hindi pa nasusubukang paraan para masugpo ang coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay WHO director general Tedros Adhanom Ghebreyesus, ang pag aaral ay tinawag nilang ‘solidarity trial’ dahil lalahukan ito ng ibat-ibang mga bansa sa buong mundo.
Layon nito anya na makalikom ng mga datos na kailangan upang alamin kung anong gamot o paraan ng panggagamot ang pinaka epektibo.
Sa ngayon, kabilang sa mga bansang nagpahayag na ng kahandaang lumahok sa solidarity trial ay ang Argentina, Bahrain, Canada, France, Iran, Norway, South Africa, Spain, Switzerland, at Thailand.
Nanawagan sa lahat ng bansa ang World Health Organization (WHO) na bumuo ng komprehensibong hakbang upang magsalba ng buhay sa gitna ng banta ng COVID-19.
Ayon kay WHO director general Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesus, nakikipag tulungan sila ngayon mga bansa na mayroong community transmission kung saan puwedeng gamitin ang mga leksyong natutunan sa mga bansang matagumpay na masugpo ang pagkalat ng COVID-19 tulad ng South Korea.
Layon nito na makapagsalba pa ng maraming buhay at pagkalat ng virus habang naghihintay na may malikhang bakuha at epektibong gamot laban sa COVID-19.