Hindi magsasagawa ng public celebration ang simbahang katolika para sa darating na linggo ng palaspas, sa kauna-unahang pagkakataon mula noong World War 2.
Ito ay bunsod ng umiiral na enhanced community quarantine sa buong Luzon dahil sa coronavisus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) Executive Secretary Fr. Jerome Secillano, bagama’t walang selebrasyon ang simbahan ngayong Semana Santa, ipagdiriwang pa rin aniya ito ng mga pari.
Hindi lang aniya padadaluhin ang publiko.
Una nang ipinasuspinde ng CBCP ang lahat ng misa sa mga simbahan at sa halip ay isinasagawa na lamang ito online.
Nakatakdang ipagdiwang ang palm sunday sa Abril 5 na siyang hudya’t na rin ng pagsisimula ng Holy Week.