4 ang patay habang 6 ang sugatan makaraang sumabog ang isang bomba sa harap ng bahay ni Isabela City Mayor Cherrylyn Santos Akbar sa probinsya ng Basilan.
Ayon kay Capt. Roy Trinidad, tagapagsalita ng Task Force ZAMBASULTA, nangyari ang pagsabog sa harap ng bahay ni Akbar sa barangay sunrise kaninang 11:30 ng umaga.
Kabilang sa fatalities ang security escorts ni Vice Mayor Abdulbaki Ajibon.
Nadamay din sa pagsabog ang black Toyota Hilux pick-up vehicle na pagmamay-ari ni Ajibon.
Papuntang City hall ang Bise Alkalde nang napadaan ito sa bahay ni Mayor Akbar.
Sa ngayon, hindi pa matukoy kung ano ang motibo at kung sino ang nasa likod ng naturang pagpapasabog.
By: Meann Tanbio| Jonathan Andal