Nakatakdang magbigay ng kanyang extraordinary “Urbi et Orbi” o to the city and the world blessing si Pope Francis anumang araw mula ngayon.
Ang Urbi et Orbi blessing ay karaniwang ibinibigay ng Santo Papa tuwing pasko at pasko ng pagkabuhay lamang.
Sa kanyang lingguhang angelus message, nanawagan si Pope Francis para sa pandaigdigang pagdarasal bilang tugon sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) crisis.
Ang desisyon ng Santo Papa na magbigay ng extraordinary blessings ay bunga ng lumalalang sitwasyon sa buong mundo lalo na sa italy na naungusan pa ang China sa dami ng apektado.