Nilagdaan na Pangulong Rodrigo Duterte ang Administrative Order 26 kung saan nakasaad ang hazard pay sa mga manggagawa ng gobyerno na pumapasok sa trabaho sa gitna nang ipinatutupad na enhanced community quarantine sa Luzon dahil sa COVID-19.
Nakapaloob sa AO ang P500 hazard pay kada araw sa mga manggagawa sa gobyerno na pumapasok sa trabaho at sakop nito ang regular status employees, casual at contractual gayundin ang mga contract of service personnel.
Kasama rin sa COVID hazard pay ang mga empleyado ng pamahalaan na nagta-trabaho sa judicial at legislative branch.
Bahala naman ang sanggunian na magpasya kung bibigyan ng hazard pay ang mga manggagawa na nasa Local Government Units.