Isang Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon sa PAGASA ang sentro ng nasabing LPA ay pinakahuling namataan sa layong mahigit 1,000 kilometro silangan ng Mindanao.
Sinabi ng PAGASA na malabong lumakas pa ang nasabing sama ng panahon para maging tropical depression at wala pang direktang epekto sa anumang bahagi ng bansa.
Sa Huwebes o Biyernes ay posibleng magdulot ng trough ang LPA ng pag-ulan sa silangang bahagi ng Mindanao partikular CARAGA at Davao Region.
Samantala patuloy namang nakakaapekto ang easterlies o hangin mula sa Pacific Ocean sa bansa kaya’t asahan pa ring makakaranas ng mainit at maalinsangang panahon sa malaking bahagi ng bansa.