Hinimok ni Ugandan President Yoweri Museveni ang mamamayan nito na panatilihin ang social distancing para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Ito ang panawagan ni Museveni matapos ihayag na siya’y tiwala na makakayang labanan ng bansa ang banta ng virus.
Dagdag pa nito na sya mismo ng mangunguna para lumaban sa COVID-19, wagi din aniya siya sa laban noon kontra ebola at gagawin ang kaparehas na paraan para labanan ang panibagong epidemya.
Magugunitang, naitala na ng Uganda ang una nitong kumpirmadong kaso ng COVID-19 nitong Sabado. Isang 36 taong gulang na lalaki na mayroong travel history sa Dubai at sumakay ng Ethiopian Airlines pabalik ng bansa.
Samantala, agad namang ipinag-utos ang pagsasara ng mga eskwelahan, unibersidad, mga bars, at ilang pagtitipong dinadaluhan ng maraming tao tulad ng sports at cultural events sa loob ng isang buwan.
Sa panulat ni Ace Cruz.