Nangangamba ang Medical City na tuluyang bumagsak ang kanilang health care system.
Ibinabala ito ni Medical City President At Chief Executive Officer Dr. Eugenio Ramos.
Sa isang statement, sinabi ni Ramos na lampas na sa kapasidad ng kanilang ospital ang bilang ng mga pasyente.
Mayroon anya silang 18 positive cases ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) at 64 na persons under investigation (PUI).
Maliban pa ito sa 11 pasyente sa emergency deparment na nag hihintay na may mabakanteng kwarto at anim sa mechanical ventilators kung saan lima anya ang nasa kritikal na kundisyon.
Pinaka masaklap anya ay ang 137 nilang healthcare workers na naka-quarantine matapos magkaruon ng kontak sa isang COVID-19 positive.