Arestado ang isang Chinese businessman na nagbebenta ng overpriced na alcohol sa Quezon City.
Ayon kay Major General Joel Napoleon Coronel, direktor ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG), P175.00 ibinebenta ng suspek ang kada litro ng alcohol samantalang ang standard retail price ng pamahalaan sa kada litro ay mula P125.00 hanggang P130.00 lamang.
Nakumpiska mula sa suspek na si Huan Shing Chan ang 350 botelya ng alcohol na ‘di umano’y galing pa ng Wuhan.