Walang nakikitang problema ang World Health Organization (WHO) sa paggamit ng mga Pilipino ng improvised o do it yourself face mask bilang pangontra sa COVID-19.
Ayon kay WHO Representative Dr. Rabindra Abeyasinghe mas mabuti na ang mayroong mask kaysa wala bagamat hindi nila aprubaho ang improvised face mask na hindi naman 100% makapagbibigay proteksyon.
Sinabi ng kinatawan ng WHO na nakakaranas ngayon ng global shortage sa mga mask at iba pang personal protective equipment (PPE).
Sa ngayon ipinabatid ng WHO ang puspusang ayuda sa Pilipinas para matuldukan na ang COVID-19.
Nanawagan ang WHO sa lahat kabilang ang pribadong sektor na suportahan ang pamahalaan sa paghahanap at pagbili ng PPE’s para matiyak ang kaligtasan ng medical workers sa paggampan sa kanilang tungkulin.