Dalawa pangruta ang dadaanan ng free bus service for health workers program ng Department of Transportation (DOTr).
Ipinabatid ito ng Philippine Coastguard (PCG) kaya’t nasa 16 na ruta na ngayon ang dadaanan ng mga nasabing bus.
Kabilang sa mga bagong ruta bilang pick up/transfer points ang SM City San Mateo, BFCT East Metro Transport Terminal at Robinsons Galleria.
Para ito sa mga medical workers ng san Mateo Medical Center, St. Vincent Hospital, Immaculate Concepcion Hospital. Marikina Valley Medical Center Amang Rodriguez Memorial Medical Center, St. Anthony Medical Center, Quirino Memorial Medical Center at The Medical City sa Ortigas.
Ang mga bus ay magsasakay at magbababa ng pasahero sa mga oras na 5:00 ng umaga, 7:00 ng umaga, 1:00 ng hapon, 3:00 ng hapon, 5:00 ng hapon at 7:00 ng gabi.
Isa ang coastguard sa katuwang ng DOTr sa programang ito gayundin ang mga pribadong bus company gayundin ang automotive company na Foton.