Isang grupo ng mga doktor ang nag-alok ng tulong para sa libreng konsultasyon online.
March 20 nang mabuo ang facebook group na Doctors Online Consultation for Filipinos sa pangunguna ni Dr. Khristian Santos.
Sinabi ni Santos na ito ang nakikita nilang paraan para masagot ang ilang health concerns ng mga Pilipino at hindi na makadagdag sa mga nagtutungo pa sa mga ospital.
Para mapangalagaan ang privacy ng bawat miyembro masusing isinasailalim ng grupo sa screening ang mga nais pumasok dito.
Kaagad ding binubura ang post ng mga miyembro kapag nasagot na sila ng mga doktor.
Sinabi ni Santos na karamihan sa mga tanong ay tungkol sa sintomas ng COVID-19 subalit bukas naman sila aniya sa iba pang health concerns.
Ang nasabing grupo ay binubuo ng mahigit 100 doktor at mayroon nang mahigit 2,000 group members.