Tatlong online groups ang tumutulong sa mga taong maging updated sa usapin ng COVID-19.
Iba’t-ibang approach ang isinusulong ng Bayanihan Online, Bounce Back PH at Universe United para matulungan ang mga Pilipino na makaagapay sa hamon ng COVID-19.
2009 nang itatag ang Bayanihan Online para matulungan ang mga sinalanta ng Bagyong Ondoy sa metro Manila at nagtuloy-tuloy para i-update ang publiko hinggil sa krisis at disaster situations.
Dahil dito uubrang makakuha ng impormasyon at makapag-donatre sa frontliners sa bayanihan online.
Ang Bounce Back PH naman na isang bagong buong facebook group ay naglalayong magsilbing tulay sa mga entrepreneurs, freelancers, professionals, citizens at business owners sa bansa para magkatulungan sa gitna ng krisis sa COVID-19.
Pinapangasiwaan din nito ang komunikasyon para sa mga kinakailangang supply at services na makakatulong sa medical workers.
Ang social media campaign namang Universe United na binuo ng Miss Universe Organization noong isang linggo ay nagsi-share ng mga kuwentong makapagpapataas ng morale ng mga Pilipino sa panahong ito.
Maaaring gamitin ng facebook at instagram users ang hashtag universe united para mai-share ang kanilang karanasan bilang frontliner o yung mga nasa bahay lamang para manatiling connected sa mundo sa kabila ng social distancing.