Inaasahang lalabas na ang tunay na bilang ng mga naimpeksyon ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa sa mga susunod na araw.
Ipinaliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nabawasan na ang backlog sa pagpapalabas ng mga resulta ng ginawang mga tests kayat mabilis na ang naging pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases sa bansa.
Naayos na kasi aniya ang proseso at nadagdagan na ang kapasidad ng pamahalaan na magsagawa ng mas maraming testing dahil sa pagdating ng mga testing kits mula sa ibang bansa.