Umarangkada na ang adopt a poor family na programa ng Archdiocese of Manila.
Ayon kay Caloocan Bishop Pablo Virgilio David, tiga pangalaga ng Archdiocese of Manila, magbabahay-bahay ang kanilang mission chaplains upang magbigay ng ayuda sa mahihirap.
Karamihan aniya ng kanilang mission chaplains ay naninirahan rin sa slums kaya’t alam nila ang sitwasyon sa kani-kanilang lugar.
Samantala, humingi ng paumanhin si Bishop David sa pamilya ng mga nasawi sa COVID-19 nang i-post niya ang pangalan ng mga biktima sa kanyang facebook account upang humingi ng dasal.