Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang isang low pressure area (LPA) sa Mindanao.
Ipinabatid ng pagasa na ang nasabing sama ng panahon ay pinakahuling namataan sa layong mahigit 900 kilometro silangan timog silangan ng Mindanao.
Sinabi ng pagasa na malabo pa rin namang lumakas ang LPA at maging ganap na tropical depression.
Subalit ipinabatid ng pagasa na posibleng magdulot ang lpa ng pag ulan sa bahagi ng Mindanao.
Samantala, inihayag ng pagasa ang patuloy na pag iral ng easterlies o hangin mula sa Pacific Ocean kayat asahan nang magpapatuloy ang nararanasang mainit at maalinsangang panahon sa malaking bahagi ng bansa.