Suportado ng Philippine Medical Association (PMA) ang pag kundena ng Makati Medical Center (MMC) sa paglabag ni Senador Koko Pimentel sa kanilang protocol sa gitnang banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Kasunod na rin ito nang pagtungo ni Pimentel sa MMC para puntahan ang buntis na asawa.
Sinabi ng PMA na nalagay sa alanganin ang kalusugan at buhay sa pangkalahatan ng mga doktor at nurse ng MMC nang balewalain ni Pimentel ang hospital protocol.
Nauunawaan naman anila ang pag-aalala ng senador sa kaniyang asawa subalit mas dapat na inisip ni Pimentel ang kapakanan ng health workforce sa ospital na lumalaban sa gitna ng COVID-19 scare.
Kasabay nito, hinimok ng PMA ang mga opisyal ng gobyerno na iwasang mabigyan ng VIP treatment at sundin ang mga protocol para sama samang labanan ang COVID-19.