Total lockdown na ang ipinatutupad simula ngayon sa Pampanga.
Mas pinahigpit ng lalawigan ng protocols sa enhanced community quarantine na ipinatupad ng national government sa Luzon.
Ayon kay Police Col. Jean Fajardo, provincial director ng Pampanga PNP, wala nang makakalabas o makakapasok sa Pampanga maliban sa mga essential workers at may medical at emergency cases.
May itinakda ring oras ng pamimili subalit ang mga may identified quarantine pass lamang ang papayagang makalabas ng bahay.
Bagamat bukas ang mga supermarket, groceries, palengke, botika at iba pa, may mga mobile palengke na susuyod sa bawat barangay upang hindi na kailangang lumayo pa ang mga residente.