Isang 1-taon at siyam na buwang gulang na babaeng sanggol ang kauna-unahang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lalawigan ng Oriental Mindoro.
Ito ang kinumpirma ni Oriental Mindoro Governor Humerlito “Bonz” Dolor.
Ayon sa gobernador, mula sa Barangay Ilaya sa Calapan City ang naturang sanggol at napag-alamang may travel history sa Alabang sa Metro Manila mula noong March 5 hanggang March 12 ngayong taon.
March 22 umano nang dalhin sa ospital ang sanggol dahil sa pagkaranas ng mataas na lagnat kung saan, dengue ang inisyal na assessment sa sanggol.
Kasunod nito, isasailalim na rin sa pagsusuri ang mga nag-aalaga sa sanggol.