Paiigtingin ng pamahalaan ng Espanya ang ipinatutupad nitong lockdown hanggang ika-9 ng Abril bunsod ng tumataas pang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito ang inihayag ni Prime Minister Pedro Sanchez.
Ani Sanchez, ang mas pinaigting na panuntunan sa pinatutupad na lockdown ay sigurado aniyang makababawas sa bilang ng mga nagpopositibong kaso ng COVID-19.
Kasunod nito, tanging mga ‘essential shops’ lamang tulad ng mga botika, palengke ang mananatiling bukas para maghatid ng serbisyo.
Nanawagan naman si Sanchez na patuloy na makipagtulungan ang bawat isa para agad na malampasan ng bansa ang pagsubok na ito bunsod ng COVID-19.
Sa panulat ni Ace Cruz.