Uubrang makapasok ang senior citizens sa mga grocery at supermarket sa panahon ng enhanced community quarantine.
Binigyang diin ito ni Trade and Industry Secretary Ramon Lopez matapos na magpalabas sila ng memorandum hinggil dito noon pang isang linggo.
Gayunman sinabi ni Lopez na hinihimok lamang ang mga senior citizens na huwag nang lumabas kung mayroon din namang mauutusang bumili ng mga kailangan nila sa groceries at supermarkets.
Kasabay nito nanawagan si Lopez sa grocery stores na huwag iklian ang kanilang operating hours dahil tiyak na magsisiksikan o mag-uunahan ang mga tao na makapasok dito.