Itinanggi ng Department of Health (DOH) na pinipigilan nila ang mga Chinese na doktor na makatulong sa bansa para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito’y matapos magpatutsada si DFA Sec. Teodoro Locsin Jr. sakaniyang twitter post kung saan sinabi nitong hinarangan ng DOH ang mga doktor mula sa China na handang tumulong umano sa krisis na kinakaharap ng bansa dahil sa virus.
Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, pina-plantsa lang ng ahensya ang hotel accomodations para sa 12 Chinese doctors gayundin sa mga translator nito.
Binura naman na ni Locsin ang kaniyang naturang post matapos makarating sakaniyang kaalaman ang paliwanag ni Duque.