Umakyat pa sa 78 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19)sa bansa ngayong Lunes, Marso 30.
Batay ito sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) matapos madagdagan ng pito ang mga nasawing pasyente.
Kabilang dito si Patient 149 na isang 61 anyos na babae mula sa Makati City na walang travel history at exposure sa may COVID-19.
Patient 587 na isang 79 anyos na lalaki mula sa Muntinlupa City at walang travel history.
Patient 647 na 43 anyos na lalaki mula sa Parañaque City; Patient 1488 na isa namang 60 anyos na lalaki mula Muntinlupa City; Patient 1447 na 45 anyos na lalaki mula Davao City na pawang walang mga travel at exposure history.
Gayundin si Patient 1446 na isang 59 anyos na lalaki na mula rin ng Davao City at walang travel history, at Patient 1489 na isang 74 anyos na lalaki mula Quezon City.
Samantala, nadagdagan naman ng 128 ang bilang ng may COVID-19 sa bansa.
Dahil dito umakyat na sa 1,546 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.