Umabot sa 18 pahina ang unang report ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso para sa pagpapatupad ng Bayanihan to Heal as One act.
Nakadetalye sa report ang pagpapatupad ng bawat probisyon ng batas na nagbigay ng mas malawak na kapangyarihan sa pangulo para tugunan ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
BASAHIN: Bahagi ng ulat na isinumite ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso hinggil sa implementasyon ng “Bayanihan to Heal as One” Act | via @OBueno pic.twitter.com/0D552Htw5y
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) March 31, 2020
Sa probisyong nagbibigay ng otorisasyon sa pangulo na magbigay ng emergency subsidy sa mga low income households, ang mga sumusunod ang nagawa na ng pangulo sa unang isang linggo ng pagpapatupad ng batas.
Una ang pag apruba ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa joint memorandum circular kung saan pinag-isa ang pagkilos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Agriculture (DA) at local government units (LGUs) para sa pamamahagi ng cash o non cash subsidy sa mga mahihirap na pamilya kabilang ang P5,000 hanggang P8,000 ayuda kada buwan sa susunod na dalawang buwan.
Paghahanda ng DSWD at LGUs ng consolidated database na gagawing basehan kung sinu-sino ang makakatanggap ng ayuda.
Iniulat rin ng pangulo na umabot na mahigit P8,000 benepisyaryo ang nakatanggap ng P5,000 ayuda sa ilalim ng COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) ng DOLE.
Umandar na rin ang Tupad Program ng DOLE kung saan gagawing taga-disinfect at taga-sanitize sa kanilang lugar ang mga mangggawa sa loob ng 10 araw at babayaran ang mga ito ng katumbas ng minimum pay sa mga manggagawa.