Malaking tulong ang rapid test kits para malaman ang lawak ng pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo, nalalaman ang resulta ng rapid tests sa loob lamang ng 10 hanggang 15 minuto.
Hindi aniya ang coronavirus ang nasusuri ng rapid test kits kundi ang dami ng antibodies na inire-release ng katawan kapag mayroong impeksyon.
Muling ipinaalala ni Domingo na hindi ito pwedeng gamitin sa bahay lamang kundi kailangan pa rin ang assistance ng doctor at confirmatory test upang malaman kung COVID-19 ang naka-impeksyon sa pasyente.
Una rito, inaprubahan na ng FDA ang paggamit ng limang rapid test kits na galing ng China at Singapore.