Dumating na sa New York ang isang military hospital ship na inaasahang makakatulong sa pagtugon sa dumaraming bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Estados Unidos.
Dumaong sa Manhattan Pier ang hospital ship na mayroong 1,000 bed capacity kung saan makakatanggap ng atensyong medikal ang mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19.
Magugunitang naging epicenter ng coronavirus outbreak sa US ang New York dahil sa paglobo ng bilang ng kaso ng sakit sa nasabing estado.