Hinimok ni Senador Joel Villanueva ang gobyerno na gumawa ng online list ng mga beneficiary na tatanggap ng P5,000 hanggang P8,000 emergency subsidy sa loob ng dalawang buwan o habang ipinatutupad ang enhanced community quarantine sa Luzon.
Ang nasabing online list, ayon kay Villanueva, ay bilang transparency mechanism at maayos na paraan ng pag account ng publiko hinggil sa mga dapat mabigyan ng nasabing financial aid.
Una nang inihayag ng Malakaniyang na nagtutulungan na ang Department of Finance at DSWD para magkaruon ng consolidated database para sa emergency subsidy program na kinabibilangan ng probisyon para sa P5,000 hanggang P8,000 buwanang tulong o non-cash ID para sa mga low income households sa loob ng dalawang buwan.
Una nang tinaya ng mga mambabatas na papalo sa halos P200-billion ang kakailanganin kapag tinarget mabigyan ang nasa 18-milyong pinakamahihirap na pamilya sa bansa.