Kinundena ng pamahalaan ang marahas na pag-atake at diskriminasyon na dinanas ng ilang health workers sa Cebu at Sultan Kudarat.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, pinakilos na ni Philippine National Police (PNP) Chief Archie Gamboa ang PNP upang pangalagaan ang mga health workers.
Inihayag ni Nograles na bilang dagdag na ayuda sa kapakanan ng health workers, naglaan na sila ng 16 pang bus sa Metro Manila at karatig lugar para sa transportasyon ng health workers patungo ng ospital.
May pinalabas na rin anyang 400 sasakyan ang Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa iba pang panig ng bansa.
Mayroon na rin anyang direktiba ang PNP sa mga checkpoints na i-assist ang mga health workers at i-escort sila kung kinakailangan.
Matatandaan na sinabuyan ng bleach sa mukha ang health worker mula sa Tacurong, Sultan Kudarat at Cebu City para madisinfect umano ang mga ito sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
The PNP is committed to apply the full might of the law against those who dare to harm our health workers and will do whatever it takes to protect them from crime, violence and any form of oppressions and discrimination. Hindi po tayo papayag na galawin ang ating mga bayani,” ani Nograles.