Iminungkahit ni dating Health Secretary Esperanza Cabral na gamitin sa mga komunidad ang rapid test kits.
Sa pamamagitan nito anya ay malalaman na ng gobyerno kung sinu-sino ang mga immune na sa coronavirus at maihiwalay na ang mga posibleng kapitan ng coronavirus.
Ayon kay Cabral, ang mga lalabas na immune na sa virus ang unang grupo na pwedeng pakawalan sa umiiral na lockdown upang umusad ang economic activity ng bansa.
Sinabi ni Cabral na hindi masyadong epektibo ang quarantine na sinusunod ng maraming barangay dahil wala namang sapat na espasyo sa mga bahay para sa social distancing.
Ginagawa anya ng gobyerno ang makakayanan nito para tugunan ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic subalit kailangan pa itong dagdagan.