Nananawagan ang Lung Center of the Philippines sa publiko na mag-donate ng bleaching agents na maaaring gamitin para ma-sanitize ang kanilang mga laboratoryo at mga kwarto ng pasyenteng mayroong coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Dr. Norbert Francisco, tagapagsalita ng Lung Center, kinakailangan nila ng nasa 100 galon ng bleaching agents gaya ng Clorox o Lysol kada buwan upang mamentena ang kalinisan sa 66 na kwarto na nakalaan sa mga COVID-19 patients.
Giit ni Francisco, hindi pwedeng ordinaryong linis ang gagawin sa mga kwarto na ginamit ng pasyenteng dinapuan ng naturang sakit lalo na aniya ngayon na nagsisimula ang kanilang COVID testing laboratory kaya’t kailangan ng matinding paglilinis dito.
Ani Francisco, mayroong isang machine ang ospital na kayang mag-analisa ng 40 samples mula sa mga pasyenteng pinaghihinalaang may COVID-19 sa loob ng 10 oras.