Kinumpirma ng Agricultural and Fisheries Department ng Hong Kong na isang pusa ang nag positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Subalit sinabi ng ahensya na wala pang malinaw na patunay na ang mga alagang hayop ay maaaring pagmulan ng nasabing virus.
Una nang nag positibo sa sakit ang may ari ng nasabing pusa.
Ayon sa World Health Organization (WHO), wala pa ring ebidensya na ang aso, pusa, o anumang alagang hayop ay makapanghahawa ng sakit.
Ang nasabing pusa ay ikatlong hayop sa Hong Kong na nag positibo sa sakit kung saan ang unang dalawang kaso ay dalawang alagang aso.