Hinimok ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga may-ari ng mga supermarkets, botika, public at private wet markets, na pahabain ang operasyon nito hanggang 12 oras para masigurong may sapat na suplay ng pagkain ang mga kabahayan sa harap ng umiiral na enhanced community quarantine.
Ayon kay Cabinet Secretary at IATF Spokesperson Karlo Nograles, ang hakbang na ito ay magbibigay daan sa mas mahabang oras ng pamimili.
Dagdag pa ni Nograles, dapat mayroong itakdang araw o schedule ng pamimili sa bawat sektor habang mahigpit na ipinatutupad ang social distancing alinsunod ng pag-iingat kontra COVID-19.
Sa panulat ni Ace Cruz.