Walong linggo pa o halos dalawang buwan ang hihintayin ng mga mamamayan ng Estados Unidos bago mapasakamay ang cash payments na kasama sa nilagdaang $2-trillion corona virus relief legislation.
Ayon sa memo ng House Democrats, posibleng matagalan ang pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga taong walang direct deposit information sa internal revenue service (IRS).
Ang nasabing time frame ay mas mahaba pa sa ibinahaging impormasyon ni Treasury Secretary Steven Mnuchin matapos itong makipagpulong tungkol sa cash payments program kasama ang congressional leaders.
Gayunman, tiwala si Mnuchin na sisimulang ipamigay ang cash payments sa ikalawang linggo ng Abril.
Inaasahang magpapamahagi ang IRS ng halos 6-milyong direct deposit payments ngayong buwan subalit posible namang mas matagal pa ang kanilang hihintayin at maglalabas din ng paper checks ang IRS sa oras na makumpleto na ang direct deposits.