Walo na ang health facilities sa bansa na uubrang magsagawa ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) test.
Kabilang dito, ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM), Baguio General Hospital and Medical Center, San Lazaro Hospital, Vicente Sotto Memorial Medical Center.
Bukod pa ito aniya sa Southern Philippines Medical Center, University Of The Philippines-National Institute of Health, Western Visayas Medical Center at Lung Center of the Philippines.
Sinabi ni Nograles na mahalagang ma-test din ang mga potential carrier ng COVID-19 sa gitna na rin nang patuloy na paggamot sa mga mayroon na at nahawahan ng nasabing virus.
Una nang inanunsyo ni Presidential Peace Adviser Carlito Galvez, Jr., pangunahing tagapagpatupad ng national action policy laban sa COVID-19 ang pagsisimula ng mass testing ng mga hininahalang kaso sa April 14.