Inilatag ni San Jose del Monte (SJDM) Rep. Florida “Rida” Robes ang tatlong mahahalagang puntos na kailangang pakatandaan ng kaniyang mga kababayan laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito, ayon kay Robes, ay matapos siyang muling humarap sa publiko nang sumailalim sa mandatory 14-day quarantine ng Department of Health (DOH) makaraang ma-expose sa ilang tao na nagpositibo sa COVID 19.
Idinetalye rin ng kinatawan kung paano sila nakapagtrabaho ng asawang si SJDM Mayor Arthur Robes kasama ang kanilang mga staff kahit pa sila’y nakapailalim sa Self Quarantine.
Alam n’yo no’ng panahon na ako ay nasa loob lang ng kwarto, sobrang lungkot ako. ‘Yung anak ko tinanong ako, ‘Kailan kita mayayakap? Kailan kita mahahalikan?’, sabi ko sa kanya, ‘Sa Huwebes, anak. At ngayon ‘yun, ito ang pang-21 araw ko sa self-quarantine. Bakit ko ito ginawa? Kasi mahal ko ang aking pamilya at ‘yung pamilya ko dito sa distrityo. Ayaw ko ‘yung na-expose na nga ako, tapos lalabas pa ako. It’s very irresponsible if I do that. Dahil mahal ko kayo, tiniis ko na nakikita ko lang si Mayor [Arthur Robes] outside, nakikita ko lang ang aking mga kapamilya na nilalaban rin ang kalamidad na ito,” ani Rep. Robes.
Pagyamanin mo kung ano ang meron ka,” dagdag pa nito.
Kabilang aniya sa tatlong mamahalagang puntos na kailangan nilang gawin para sa mga taga San Jose del Monte City ay ang mga sumusunod batay sa isang prinsipyo:
- Mag-deklara ng resolusyon para magamit agad ng calamity fund ng SJDM.
- Nakipag-ugnay sa mga nasa frontlines, kabilang na ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) tungkol sa pag-set up ng mga checkpoints ayon sa mga alituntunin na itinakda ng Inter-Agency Task Force (IATF) para sa pagpapatupad ng ECQ.
- Pagpapatupad ng mga programa sa rehabilitasyon upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga tao, lalo na ang mga may-ari ng maliliit na negosyo.
Sa katunayan, sinabi ng mambabatas na target nilang bigyang ayuda ang nasa mahigit 145,000 na kabahayan sa lungsod at hinihintay na lang nila na maipatupad ng buo ang Bayanihan to Heal as One Act upang mas marami pang matulungan sa kanilang lungsod.