Pabor si Vice President Leni Robredo na palawigin pa ang enhanced community quarantine (ECQ) sa buong Luzon.
Ayon kay Robredo, ito ang nakikita niya makakabuti para mapahupa ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa na siya rin naman aniyang inirekomenda ng ilang eksperto.
Ngunit ani Robredo, hindi dapat mapabayaan ang mga maaapektuhan ng extension ng ECQ.
Dapat aniyang matiyak na tuloy-tuloy ang ayuda na ipaaabot ng gobyerno.
Inirekomenda rin ni Robredo na bigyan ng kapangyarihan o ipagkatiwala sa local government units ang tulong na ipamamahagi ng national government.
Gayunman, dapat umanong masiguro ang transparency at accountability measures upang matiyak na walang kurapsyon na mangyayari.