Suportado ng League of Provinces of the Philippines (LPP) ang pagpapalawig sa umiiral na enhanced community quarantine sa buong Luzon dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay LPP President at Marinduque Governor Presbitero Velasco Jr., kaniyang nakikita ang pangangailangan sa pagpapa-extend ng ECQ dahil ngayon pa lamang aniya naglalabasan ang mga kumpirmadong positibo sa sakit.
Sinabi ni Velasco, maaari naman aniyang magbalik na sa normal ang operasyon ng mga factory ng pagkain at medical supplies basta’t maisasailalim sa COVID-19 test ang lahat ng kanilang mga manggagawa.
Binigyang diin pa ni Velasco ang pangangailangan para sa pagsasagawa ng mass testing para matukoy na ang lahat ng mga COVID-19 positive sa bansa.