Isinugod sa ospital ang Prime Minister ng United Kingdom na si Boris Johnson, 10 araw matapos itong magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ay makaraang makaranas si Johnson ng tuloy-tuloy na sintomas ng nabanggit na sakit tulad ng mataas na tempertura.
Sa ipinalabas na pahayag ng Downing Street, ang official residence ng UK Prime Minister, pinayuhan na si Johnson ng kanyang doktor na magtungo na sa ospital para sa sumailalim sa ilang mga pagsusuri.
Bahagi na rin anila ito ng precautionary steps para matiyak ang maayos na kalagayan ng kalusugan ni Johnson.
Samantala, tiniyak naman ng Downing Street na patuloy pa ring pinangangasiwaan ni Johnson ang pamahalaan ng UK sa kabila ng pagkaka-admit sa ospital.