Bumuo ng grupo ang ilang mga abogado upang ayudahan ang mga pamilya na nakakaranas ng diskriminasyon sa harap ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Kasabay ito ng muling pagkundena ng Inter Agency Task Force (IATF) sa ilang insidente ng diskriminasyon tulad ng pambabato sa bahay ng isang nasawi sa COVID-19 sa Iloilo.
Ayon kay IATF Spokesman, Cabinet Secretary Karlo Nograles, nakakagalit ang nangyari sa pamilya sa Iloilo dahil minabuti nilang maging transparent at lumantad sa publiko bilang persons under monitoring (PUM) upang maging babala sa kanilang mga kababayan subalit diskriminasyon ang kanilang inabot.
Hinikayat ni Nograles ang mga local government units na magpasa ng ordinansa na magpaparusa sa sinumang masasangkot sa diskriminasyon ng health workers man, essential workers o mga pasyente.
We are however encouraged that by the fact that just a day after we raised this issue lawyers from the University of the Philippines College of Law and from all over have volunteered their services to victims of discrimination, they call themselves ‘Volunteer Lawyers against Discrimination’ and you can find them on facebook or call them at 09177052333. So, sa inyo maraming maraming salamat po, may you thrive in peace,” ani Nograles.