Nananawagan si Albay Representative Edcel Lagman sa pamahalaan na tiyaking tuloy-tuloy ang pamamahagi ng libreng contraceptives at iba pang reproductive health supplies sa mga mag-asawang mula sa pinakmahihirap na sektor.
Ito ay sa kabila aniya ng umiiral na enhanced community quarantine sa buong luzon.
Ayon kay Lagman, sa panahon ngayon mas nagkakaroon ng kahalagahan ang RA 10354 o responsible parenthood and reproductive health law dahil nasa loob lamang ng mga tahanan ang mga mag-asawa dahil sa ECQ.
Higit aniyang kinakailangan ng mga mag-asawa ang mga contaceptives at iba pang mga epektibong paraan ng family planning para maiwasan ang pagkakaroon ng tinatawag na unwanted, unplanned o high risk na pagbubuntis.
Dagdag ni Lagman, isinasaad din sa RL law na kabilang ang mga FDA certified contraceptives sa mga ikinukunsiderang essential medicine sa ilalim ng Philippine national drug formulary system.