Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na agad nilang aaksyunan ang reklamong inihain ni Atty Rico Quicho laban kay Senador Koko Pimentel.
Sa inilabas na statement ng DOJ, sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na matagal na syang naghihintay na may maghain ng pormal na reklamo laban kay Pimentel.
Ayon kay Guevarra, agad siyang magtatakda ng preliminary investigation sa reklamo sa pinakamabilis na panahon na naayon sa umiiral na lockdown.
Makakaasa aniya ang publiko na ipatutupad nila ang batas nang patas kahit ano pa ang estado o posisyon ng nasasakdal.
Si Pimentel ay inireklamo ng paglabag sa mga umiiral na panuntunan sa ilalim ng enhanced community quarantine nang mag-ikot ito sa Makati Medical City at sa isang supermarket sa panahong dapat siya ay naka quarantine.
Kalaunan, lumabas na positibo si Pimentel sa COVID-19.