Pinangangambahan ng pamahalaan ng China ang muling pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa kanilang bansa.
Kasunod anila ito ng pagdami ng mga naitatalang bagong kaso ng mga asymptomatic o mga nagtataglay ng COVID-19 pero hindi nakikitaan ng sintomas.
Sa ulat ng National Health Commission ng China, nakapagtala sila nitong linggo ng 39 na mga bagong kaso ng COVID-19 na mas mataas ng 9 sa naitalang 30 nitong Sabado, Abril 4.
Nakapagtala din anila ng 78 bagong asymptomatic cases nitong linggo kung saan 38 sa mga ito ang mga Chinese national na nagbalik ng China mula sa biyahe sa ibang bansa.
Isang kaso naman ng local transmission ang napa-ulat sa probinsya ng Guangdong, China matapos bumiyahe ang nabanggit na pasyente sa Hubei province.