Nanawagan ng tulong sa pamahalaan ang pamilya ni Dennis Collado, ang Pilipinong nadamay sa pagsabog ng granada sa border ng Yemen at Saudi.
Ayon sa ama ni Dennis na si Maximo, naka-confine pa din ang kaniyang anak sa ospital at 2 beses na itong isinalang sa operasyon, matapos tamaan ng shrapnel noong ika – 19 ng Setyembre.
Sinabi ni Maximo na nakasaad sa kontrata ng anak na sasagutin ng kumpanyang pinagtatrabahuhan nito ang mga gastos sa ospital subalit nais na din ng kanyang anak na makabalik ng Pilipinas.
By Katrina Valle | Allan Francisco