Maaari pa ring magawa ng mga mananampalatayang Katoliko ang ilang mga aktibidad at tradisyon tuwing Semana Santa tulad ng Visita Iglesia sa kabila ng ipinatutupad na enhanced community quarantine.
Ito ay sa pamamagitan ng virtual “Visita Iglesia in 360” sa website ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kung saan makikita ang 14 na mga simbahan sa iba’t-ibang panig ng bansa.
Kasama rito ang Sto. Niño Church sa Anda Bohol; St. James The Apostle Church sa Betis Pampanga; St. Joseph Cathedral sa Butuan City; St. James The Great Parish sa dapitan City Zamboanga Del Norte; Palo Metropolitan Cathedral sa Palo Leyte.
Nuestra Señora Dela Asuncion sa Maragondon Cavite; Sto. Tomas De Villanueva sa Miag-Ao Iloilo; St. Agustin Church sa Panglao Bohol; St. Augustine Church sa Paoay Ilocos Norte; St. Joseph Cathedral sa Romblon Island.
Gayundin ang San Sebastian Church sa Quiapo Manila; Church of San Diego De Alcala sa Silay Negros Occidental; San Isidro Labrador Church sa Lazi Siquijor; at Our Lady of the Abandoned sa Sta. Ana, Manila.
Hindi ito ang unang taon na inilunsad ang virtual Visita Iglesia pero mas magagamit ito ngayong umiiral ang ECQ.