Tinawanan lang ni Puerto Prinsesa Mayor Edward Hagedorn ang pagsasampa sa kanya ng P60 milyong pisong plunder case ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC).
Sinabi ni Hagedorn na pulitika lamang ang motibo ng pagsasampa ng kaso at ito ay rehash lamang sa naunang kaso na isinampa ng incumbent mayor ng Puerto Prinsesa na si Lucilo Bayron.
Iginiit ni Hagedorn na imposibleng pumayag siya o ang kanilang accounting staff na maglabas ng pondo para sa mga hindi maipaliwanag na transaksyon.
AUDIO: Bahagi ng panayam kay Mayor Hagedorn
By Katrina Valle | Kasangga Mo Ang Langit