Inaasahang mas babagal pa ang inflation rate ng bansa sa ngayong Abril.
Batay ito sa pagtaya ni Bangko Sentral ng Pilipinas governor Benjamin Diokno, bunsod na rin aniya ng pagbagsak ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
Gayundin aniya ang umiiral na price freeze sa mga pangunahing bilihin at halos walang pagtaas sa singil sa mga pangunahing serbisyo tulad ng kuryente at tubig.
Una rito, naitala ng Philippine Statistics Authority ang 2.5% inflation rate ng bansa para sa Marso na bahagyang mababa sa 2.6% noong Pebrero.