Pinalawig ng Civil Service Commission (CSC) ang deadline sa paghahain ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ng mga kawani ng pamahalaan hanggang Hunyo 30.
Ito ay sa gitna na rin ng ipinatutupad na enhanced community quarantine sa buong Luzon dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Batay sa ipinalabas na CSC Memorandum Circular No. 9 ni CSC chairperson Alisia Bala, binibigyan ng karagdagang 60 araw ang mga pampublikong opisyal at empleyado ng pamahalaan para sa paghahain ng kanilang SALN.
Hindi aniya papatawan ng kasong administratibo ag mga magsusumite ng SALN mula Abril 30, orihinal na deadline nito, hanggang Hunyo 30.
Gayunman, pagpapanagutin naman ang mga mabibigong maghain ng SALN hanggang sa bagong itinakdang deadline.