Patuloy pa ring pinag-aaralan ang posibleng lunas sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ipinabatid ni Health secretary Francisco Duque III na kasali na ang Pilipinas sa inilunsad na solidarity trial ng World Health Organization (WHO).
Ang solidarity trial ay isang international study sa pag-aaral ng mga gamot na maaaring magbigay ng lunas sa sakit na COVID-19.
Tulad ng ibang complimentary study, inihayag ni Duque na tinitingnan ng experts kung ano ang maaaring maging gamit ng traditional Chinese medicine laban sa nasabing virus.
Sa pagdating ng 12 Chinese medical experts sa bansa, ipinabatid ni Duque na inaasahang maganda ang ibabahagi ng mga ito base sa naging karanasan sa paglaban sa COVID-19 ng kanilang bansa.
Malaki aniyang tulong ang expertise ng Chinese medical experts sa critical care medicine para matugunan ang pangangailangan ng severe COVID-19 cases sa Pilipinas.