Inirekomenda ng Philippine Red Cross (PRC) sa Department of Health (DOH) na magtalaga ng dialysis centers na maaaring tumanggap ng mga pasyenteng positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), person under investigation (PUI) at person under monitoring (PUM) na mayroon ding sakit sa bato.
Ayon kay PRC chairman Richard Gordon, dapat na magtalaga ang DOH ng dialysis center sa bawat bayan dahil marami naman aniyang dialysis outlets.
Tinatanggihan kasi umano ng mga dialysis center ang mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19 na nangangailangan din ng dialysis dahil sa takot na kumalat ang sakit o makahawa sa ibang dialysis patient.
Maiiwasan aniya ito kung mayroong itatalaga ang DOH na dialysis outlet na maaaring tumanggap ng pasyenteng positibo sa sakit na nangangailangan ma dialysis.