Dumadaing na rin ng sa hirap ang mga taga-Marawi dahil sa krisis na nararanasan bunsod ng banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito’y matapos isailalim ang lungsod sa enhanced community quarantine (ECQ) makaraang magpositibo ang isang indibidwal habang isa na ang nasawi dahil sa COVID-19.
Dahil ditto, umaapela ng tulong sa pamahalaan ang mga internally displaced persons na nakatira pa rin sa mga temporary shelter sa Marawi dahil sa pagsiklab ng bakbakan noong 2017.